Kaarawan ni dating Presidente Ferdinand Edralin Marcos, ipinagdiwang sa Ilocos Norte

iFM Laoag – Ipinagdiriwang sa lalawigan ng Ilocos Norte ang ika-102 taon ng kapanganakan ni dating Presidente Ferdinand Edralin Marcos.

Nag-alay ng misa at bulaklak ang pamilya Marcos na pinangungunahan ni Governor Matthew Marcos Manotoc na kanyang apo.

Nag-alay din ng bulaklak, kanta at sayaw ang mga kababayan nya sa Sarrat kung saan siya ipinanganak at pati narin sa lungsod ng Batac kung saan naman siya lumaki.


Nagbigay pugay naman ang mga kasapi ng PNP sa pamamagitan ng “gun-salute” at “wreath-laying”.

Sa talumpati ng Gobernador, nagpasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanyang pamilya at dahil dito, nais niyang sundin ang mga magagandang programa ng kanyang lolo kagaya na lamang ng free dialysis, kadiwa store kung saan makakabili ka ng murang pagkain at relief goods sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Dagdag pa nito na idolo niya ang kaniang lolo dahil kahit sa huling sandali ng dating presidente humiling ito na ang ilalagay na pagkilala sa kanya sa kanyang hantungan ay hindi presidente o sundalo kundi Filipino lamang ang mailalagay na sya namang sinunod ng pamilya.

Samantala, dumating si dating senador Bongbong Marcos alas tres ngayong hapon lamang at ang dalawa niyang kapatid na sina Senator Imee at Irene Marcos-Araneta kabilang ang kanilang ina na si Imelda ay nasa libingan ng mga bayani at doon nag-alay ng bulaklak at panalangin.

Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments