Kaarawan ni Virgin Mary aprub sa Senado na maging special working holiday

File photo
May maidadagdag na naman sa listahan ng mga “special working holiday” sa bansa.
Ito’y matapos pumasa kahapon ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagdedeklara sa Setyembre 8 na special working holiday bilang paggunita sa kapanganakan ni Blessed Virgin Mary.
Ang House Bill No. 7856, o An Act Declaring September 8 of Every Year a Special Working Holiday in the Entire Country to Commemorate the Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary, ay inaprubahan ng 19 affirmative votes, zero negative vote at walang abstention.

Panukala ito nina Representatives Rodolfo Fariñas (Ilocos Norte), Marlyn Primicias-Agabas (Pangasinan), Joseph Stephen Paudano (Abang Lingkod Partylist), Emi Calixto-Rubiano (Pasay City) at Gus Tambunting (Parañaque District 2).
Noong 2017, nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte ang Republic Act 10966 na nagdeklara sa Disyembre 8 bilang special non-working holiday bilang paggunita sa Feast of the Immaculate Conception.
Facebook Comments