Mas pinalalakas pa ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City at ng kanilang lokal na pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang siyudad maging ang pagpuksa sa ilegal na droga.
Kamakailan ay bumisita ang alkalde ng siyudad sa tanggapana ng lokal na pulisya at tinalakay roon ang ilang mga hakbangin na kanilang gagawin sa pagsasakatupar ng kanilang nais na maging mapayapa, tahimik, at maayos ang kanilang siyudad at maging sa usapin ng iligal na droga ay kanila rin pinaiigting.
Tinalakay ng alkalde ang mas pinaigting pagsupil ng lokal na pamahalaan sa iligal na droga kung saan inilahad nito na isa ang kanilang siyudad sa isa sa aktibong naglulunsad ng mga programa kontra iligal na droga.
Ayon pa sa kanila ay patuloy rin umano na nasa ibaba ng normal threshold ang crime rate ng kanilang siyudad at nakaantabay naman umano ang lokal na pulisya kung sila ay kinakailangan. |ifmnews
Facebook Comments