KAMPANYA KONTRA RABIES SA ASINGAN, PATULOY PA RIN; HIGIT ISANG DAANG ALAGANG HAYOP, NABAKUNAHAN

Patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa kampanya kontra rabies kung saan nakapag libot-libot na ito sa ilang bahagi ng lugar sa kanilang bayan.
Katuwang ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Agricultura ay nagsagawa ang Provincial Veterinary Office (OPVet) ng Veterinary Medical Mission para sa mga alagang aso at pusa Mayor Sapigao Sports Complex at dito ay nakapagbakuna sila ng higit sa isang daang mga alagang hayop.
Umabot ng isang daan at limamput isa na Anti-Rabies Vaccination ang kanilang naisagawa, dagdag pa riyan ang ilan pang libreng serbisyo gaya na lamang ng spaying kung saan nakapagsagawa sila nito sa dalawampung alagang aso at pusa, apatnaput tatlo catration at isang daang at limamput isang deworming.

Ang pagsasagawa naman ng aktibidad na ito ay naglalayon na higit pang maitaguyod ang rabies control program at responsableng pagmamay-ari ng mga alagang hayop. |ifmnews
Facebook Comments