Kababaang Loob ipairal hindi lamang sa Eidl Adha

Handa na ang mga venue ng pagdaraosan ng gagawing congregational prayer sa ibat ibang bahagi ng Central Mindanao kasabay ng selebrasyon ng Eidl Adha o Feast of Sacrifice.
Kabilang na rito ang Peoples Palace Ground , Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mosque at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Compound sa Cotabato City.
Tatlong oras ring sinuspende ang implementasyon ng Absolute No Parking mula alas singko hanggang alas otso ng umaga para bigyang daan ang obserbasyon ng gagawing sambayang.
Samantala sa Maguindanao, nakatakdang makikiisa sa selebrasyon si Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa bayan ng Datu Abdullah Sangki.
Kaugnay nito, umaasa ang Gobernadora na ipaiiral ng bawat isa ang tunay na kahulugan ng selebrasyon ng okasyon, hindi lamang sa Eidl Adha kundi araw-araw sa kanyang mensahe na ipinarating sa DXMY.
Ang pagpapairal ng kababaang loob aniya ay isa sa maaring sakripisyong gawin para mapanatili ang pagmamahalan at kapayapaan sa lalawigan dagdag ni Governor Bai Mariam.
Binigyang papugay rin ng Gobernadora ang ang sakripisyong ginagawa ng mga otoridad lalo na ng mga kasundaluhan at kapulisan na walang takot na hinaharap ang kalungkutang nadarama dahil sa pagkakalayo mula sa kani kanilang pamilya para lamang mapagsilbihan ang taumbayan at mamentina ang katiwasayan ng lalawigan.
Nagpaabot naman ng pagbati sa lahat ng mga mananampalatayang ISLAM si GMSM kasabay ng selebrasyon ng Eidl Adha.(D.A)
CCTO PIC

Facebook Comments