Mister, Balik Selda dahil sa Droga!

95

*Cauayan City, Isabela- *Balik kulungan ang isang mister matapos mahuli muli sa illegal drugs sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa Purok Paraiso, Brgy Batal, Santiago City.


Kinilala ni P/Maj.Reynaldo Maggay, Station Commander ng Station 1, Santiago City Police Office (SCPO) ang nahuli na si Wilson Santiago, 42-anyos, may-asawa at residente ng Purok 5, Nagassican, Santiago City.

Sa pinagsanib na pwersa ng City Drugs Enforcement Unit (CDEU), SCPO sa pangunguna ni P/Maj. Alexander Rodrigo, at PS1 sa pangunguna rin P/Lt.Charlie Viernes sa pamamagitan ng supervision ni P/Maj. Maggay ay agad na ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Narekober sa pag-iingat ni Santiago ang isang pakete ng shabu at P500 bilang marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Santiago.

Facebook Comments