Kababaang loob ng Panginoon Hesus, paalala ni Pope Francis sa mga Katoliko

Manatili mapagkumbaba at tularan ang kababaang loob ng Panginoong Hesus.

Ito ang binigyan diin ni Pope Francis sa kanyang homily para sa Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.

Sa pagdalo ng libu-libong pilgrims sa misa ng Santo Papa sa St. Peter’s Square, inalala nito ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem na inilarawan nito bilang “humility in the face of triumphalism.”


Umapela rin ang Santo Papa sa mga kabataan na ‘wag mahiya na ipakita ang kasiyahan para kay Hesus- na ito ay totoong buhay at parte ng bawat tao.

Matapos ang two-hour service, hinimok din ni Pope ang publiko na magdasal para sa kapayapaan partikular sa Holy Land at sa lahat ng bansa sa Middle East.

Samantala, sa Maundy Thursday, babiyahe si Pope Francis sa Velletri City sa Rome, kung saan gaganapin ang “washing of the feet” sa 12 inmates.

Sa Good Friday naman, papangunahan nito ang Via Crucis (Way of the Cross) procession sa paligid ng Ancient Colosseum sa Rome.

Habang sa Black Saturday ay isasagawa pa rin nito ang tradisyunal na Easter Vigil Service, na susundan ng pagbasa sa “urbi et orbi” (to the city and the world) message pagsapit ng Linggo ng pagkabuhay.

Facebook Comments