Cauayan City, Isabela- Nangunguna ang Region 2 sa buong bansa sa usapin ng paggamit ng Contraceptive Prevalence Rate o bilang ng mga kababaihan na nasa edad 15-49 na gumagamit ng modern family planning method.
Ito ay base sa National Demographic Health Survey 2017 at sa nakuhang datos sa Field Health Information System (FHIS) Region 2.
Sa programang ‘POPULASYON PAG-USAPAN NATIN’ ng Radyo Pangkaunlaran ng DA Region 2, sinabi ni Sheila Marie Villamil ng DOH Region 2, noong kasagsagan ng pandemya nitong nakaraang taon ay medyo bumagal bumaba ngunit tumaas pa rin naman.
Ayon kay Villamil, napapanatili pa rin naman ng mag-asawa ang paggamit ng family planning method.
Samantala, ayon naman kay Dr. Anabelle Paguirigan, hindi naman nagkaroon ng problema sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Local Government Unit (LGU) sa usapin ng family planning.
Facebook Comments