Pagsasanay para sa bagong ARBO sa Nueva Vizcaya, Isinagawa ng DAR

14
Cauayan City, Isabela- Aabot sa tatlumpu (30) na opisyal at miyembro ng Villaverde Farmers Integrated Association, Inc. isang assisted Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO) ang nakiisa sa ginawang oryentasyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) Nueva Vizcaya.

Layunin nito na ipaalam kung ano nga ba ang mga karapatan, tungkulin, at responsibilidad ng isang agrarian reform beneficiary.

Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Rustico Turingan, pinaigting ng DAR Nueva Vizcaya ang Program Beneficiaries Development Division na may adhikaing magbigay ng serbisyong pangsuporta sa pamamagitan ng pagtatag at pagpalakas ng mas maraming organisasyon ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa lalawigan.

Facebook Comments