Pag dating sa pagpapahalaga sa ating healthy lifestyle marami sa atin ang naiinganyong mag diet o mag-exercise.
Sa kabilang banda merong iba na itinataas nila ang challenge dahil mas pinapalakas nila ang kanilang endurance o physical capability na ma-sustain ang isang ehersisyo sa loob ng mas mahabang oras. Binubuo ito ng dalawang bagay ang cardiovascular endurance at muscular endurance.
Mula sa kakatapos na sports activity ng Magnificent Baling 100 sa Kedah, Malaysia, isang babae ang ating hahangaan na tubong Calasiao ang idol natin sa endurance level.
Dumaan sila sa kumbinasyon ng long distance waterfall climb at river cross, big climb sa Palong peak, at nilakad ang putikan.
Sa ipinamalas na lakas ni Ms. Kimberly Gaela, siya ay hinirang na kampeon sa women’s category ng 100-km foot race sa loob ng 17 hrs. at 29 minutes.
Mula sa iFM lubos ang paghanga namin sa tibay at determinasyon na iyong ipinakita. congratulations idol Kimberly Gaela. |ifmnews
Facebook Comments