UMANOY MIYEMBRO NG ISANG DRUG GROUP SA LA UNION, ARESTADO

Arestado ang isang sinasabing miyembro ng isang kilalang Drug Group sa lalawigan ng La Union.
Ang suspek ay nakilalang si Sattie Soriano residente ng bayan ng Aringay sa nasabing bayan.
Nagkasa ng Buy Bust Operation ang mga otoridad laban sa suspek pasado alas onse ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.8 grams at nagkakahalaga ng mahigit labing dalawang libong piso.

Ang nasabing suspek ay kabilang sa mga High Value Individual Target ng PNP at sinasabing miyembro ng Verona Drug Group sa nasabing lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments