Kabahayan na nasunog sa bayan ng La Paz sa Iloilo City, umabot sa higit 50

22

Iloilo, Philippines – Umabot sa higit 50 kabahayan ang nasunogsa barangay Lopez Jaena, bayan ng La Paz, Iloilo City.
 
Sa ulat, nagsimulangmag-spark ang kuntador sa poste at nahulog ang apoy sa bubong ng bahay ng isangTessi Jaena. 
 
Karamihan naman sa mga bahay na natupok aygawa sa light materials. 
Short circuit naman ang itinuturong dahilanng sunog at matagal nang inirereklamo ng mga residente ang nasabing lumangposte ng kuryente.
 
Samantala, agad namang tumulong ang CitySocial Welfare and Development Office sa mga nasunugan na pansamantalangnananatili ngayon sa barangay hall at simbahan ng Iglesia. 
 

Facebook Comments