Nasa walong katao, sugatan pagsabog sa Tacurong City sa Sultan Kudarat

Manila, Philippines – Nasa walong katao na ang sugatan samagkasunod na pagsabog sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
 
Naganap unang pagsabog dakong alas 7:00 ng gabi sa comfort roomng isang gasolinahan.
 
Pagkatapos, dito na sumabog ang ikalawang bomba na iniwan ng mgasuspek malapit sa signboard ng gasolinahan.
 
Dahil dito, nagtamo ng mga tama ng shrapnel ang mga biktima nakaramihan ay mga pulis.
 
Samantala, isa pang Improvised Explosive Device ang natagpuanmay isandaang metro ang layo mula sa gasolinahan na pinangyarihan ng dalawang pagsabog.
 

Facebook Comments