*Cauayan City, Isabela*- Hinihimok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang lahat ng Isabeleño na makiisa sa pagdaraos ng ‘Earth Hour’ sa darating na March 28,2020.
Ayon kay Provincial Information Officer Elizabeth Binag, ito ay upang makatulong na palaganapin ang pagtipid sa elektrisidad at ng paglabas ng karbon <tl.wikipedia.org/wiki/Carbon>.
Hinihikayat naman ang mga kabahayan at mga tanggapan na isara muna ang kanilang mga ilaw at ilang kasangkapang pambahay na hindi ginagamit nang isang oras sa gabi ng 28 Marso 2020 sa ganap na alas otso y media (8:30) ng gabi hanggang alas-nuwebe y media (9:30).
Nagsimula ang Earth Hour sa bansang Sydney,Australia noong 2007 habang umabot sa 2.2 milyon ang mga kabahayan at estabilisyimento ang nagpatay ng kani-kanilang ilaw sa loob ng isang (1) oras hanggang 50 milyon ang mga taong nakiisa sa mahigit 30 na bansa noong 2008.
Sinabi pa ni Binag na patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon sa Isabela Electric Cooperative sa usapin ng Earth Hour.