Kabahayan sa ilang Barangay sa Cauayan City, Lubog pa rin sa Baha

80

Cauayan City, Isabela- Nananatili pa ring lubog sa baha ang ilang kabahayan sa Brgy. District 1 sa lungsod ng Cauayan makaraang maranasan ang malawakang pag-uulan bunsod ng nagdaang bagyong Quinta.

Ayon kay Manuel Argonza, inabisuhan na sila ng mga opisyal ng barangay para personal na kunin ang mga ibibigay na paunang tulong sa mga apektado ng pagbaha.


Pansamantala ding nanunuluyan sa kanyang mga kaanak si Argonza habang hindi pa humuhupa ang malaking baha sa paligid ng kanyang bahay habang ang ibang pamilya rin ay inilikas pansamantala ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay tinitiyak pa rin ng mga opisyal ang maagap na pagtugon sa kanilang mga kabarangay lalo pa’t nakakaranas ng panaka-nakang pag-uulan ang ilang lugar sa Isabela.

Facebook Comments