Manila, Philippines – Umapela ang Armed Forces of the Philippines sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak lalo na ang mga mahilig sa social media.
Ito ang sinabi ng AFP sa harap narin ng ginagawang recruitment ng ng mga terorista sa social media na tinatarget ang mga kabataan.
Ayon kay AFP Spkkesman Brigadier General Restituto Padilla sa interview sa Malacanang, mdaling mahimok ang mga kabataan lalo pa at magaling ang mga ito sa paggamit ng internet.
Kaya naman dapat aniyang bantayan ng mga magulang ang kanilang gma anak at alamin kung sino-sino ang mga kasusap ng mga ito at alamin ang mga aktibidad sa social media.
Sa pamamagitan aniya nito ay maiiwasan na mahimok ang kanilang mga anak ng mga terorista.
Nagbabala din naman si Padilla na kung hindi magtutulungan at magkakais ang mga Pilipino sa paglaban sa terorismo ay lalo pang lalakas ang banta nito sa bansa.
Kabataan, dapat bantayan ng mga magulang laban sa terorista sa social media
Facebook Comments