
CAUAYAN CITY – Isinagawa ng kapulisan ng Cabatuan Police Station ang proyektong Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na nilahukan ng mga kabataan mula sa Barangay Sampaloc, Cabatuan, Isabela.
Sa aktibidad, tinalakay ang mga negatibong epekto ng illegal na droga sa kalusugan at sa buong komunidad.
Ipinaliwanag din kung paano ito maiiwasan at hinikayat ang mga kabataan na makilahok sa mga kampanya laban sa droga.
Ang KKDAT ay isang hakbang ng gobyerno upang turuan ang mga kabataan kung paano makaiwas sa droga, terorismo, at iba pang uri ng kriminalidad.
Facebook Comments









