Maglalagay ng satellite registration booths ang Kabataan Partylist sa mga paaralan para madaling makapagparehistro ang mga kabataan sa Commission on Elections.
Ayon kay Kabataan Rep. Sarah Elago, maaaring makipag-ugnayan sa kanila ang mga senior high schools at colleges para magkaroon ng satellite registration booths sa kanilang mga campuses nang sa gayon ay hindi na kailangang pumunta sa COMELEC sa kanilang lugar ang mga estudyante at hindi rin maaapektuhan ang kanilang pasok.
Hinikayat din ni Elago ang mga mag-aaral sa senior high at colleges na magparehistro upang makaboto sa May 2020 Sangguniang Kabataan Elections.
Hinimok ng mambabatas na makiisa sa halalan upang mapalakas ang boses ng mga kabataan.
Kahapon ang unang araw ng voter’s registration na tatagal ng dalawang buwan o hanggang September 30.