Nag-withdraw sa kanyang kandidatura sa pagka-senador si dating Vice President Noli de Castro.
Ayon kay De Castro, nagkaroon siya ng pagbabago sa kanyang plano.
Napag-isip-isip niya na mas makatutulong siya sa publiko kung ipagpapatuloy niya ang kanyang propesyon bilang mamamahayag.
Nakatakda sanang tumakbo si De Castro sa ilalim ng partido ni Manila Mayor Isko Moreno na Aksyon Demokratiko.
Nagpasalamat naman ang beteranong broadcaster kay Mayor Isko at sa buong partido sa pagtitiwala at pagtulong sa kanya.
Inirerespeto naman ni Moreno ang desisyon ni De Castro at sinabing mananatili itong miyembro ng kanilang partido.
Facebook Comments