KABI-KABILANG REHABILITASYON NGMGA KALSADA SA DAGUPAN, NAGPABIGAT SA DALOY NG TRAPIKO

Ilang linggo nang nararanasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod ng Dagupan dahil sa kabi-kabilang rehabilitasyon ng mga kalsada.
Bagamat maganda ang intensyon ng pagpapataas ng mga kalsadahan para hindi na muling malubog pa ang mga sasakyan at mga namamasada tuwing bumabaha ay nagpabigat naman ang kasalukuyang pagsasaayos nito sa daloy ng tapiko.
Nararanasan umano ng mga namamasada at mga commuter ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng A.B Fernandez Avenue hanggang Arellano St
Isabay pa raw rito ang pagbuhos ng ulan tuwing hapon kung saan nagpapadoble sa hirap sa pagpasada at pagbyahe ng mga sasakyan.
Ayon sa POSO Dagupan aminadong nasa pitumpong porsyento ang naging traffic build up sa ilang mga pangunahing kalsada sa lungsod dahil sa kasalukuyang road rehabilitation.
Sa ngayon ay hindi muna ginagamit ang traffic light sa may bahagi ng Junction kung saan may mabigat na daloy ng trapiko dahil ayon sa POSO mas effective umano kung manual na magabayan ng mga traffic enforcers ang mga sasakyan.
Facebook Comments