IKAPITONG ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT SUMMIT NG DENR-EMB 1, IDINAOS SA BAYAN NG CALASIAO

Matagumpay na idinaos sa bayan ng Calasiao ang 7th Region I Ecological Solid Waste Management Summit sa pangunguna ng ahensyang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Field Office I.
“No to Waste: Advancing Circular Economy to #beatplasticpollution kung saan layunin nito ay upang magkaroon na mahalagang usapin, diskusyon at magawa ng mga paraan ukol sa maigting na pagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng paglaban sa polusyong dala ng mga plastic na basura at hangin.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang stakeholders, mula sa apat na probinsiya maging ng mga kawani ng ahensya at kawani ng LGU Calasiao.

Samantala, ang naturang aktibidad ay idinaos bilang pakikiisa ng ahensya sa selebrasyon Buwan ng Kapaligiran ngayon Hunyo. |ifmnews
Facebook Comments