Isinisi ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia sa inflation ang kabiguan ng gobyernong maabot ang target nitong economic growth para sa taong 2018.
Lumago lang ng 6.2 percent ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa noong 2018 na mas mababa sa 6.5 hanggang 6.9 percent na tinarget ng pamahalaan.
Ayon kay Pernia – malaking balakid ang inflation sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Noong nakaraang taon, matatandaang naitala ang 10-year high inflation rate matapos na ipatupad ang dagdag buwis sa langis sa ilalim ng TRAIN Law.
Sa kabila nito, tiwala si Pernia na makakabawi ang bansa ngayong 2019.
7 hanggang 8 percent na GDP growth ang target ng gobyerno ngayong taon.
Facebook Comments