Kabiguan ng PNP na kumuha ng 27K na bagong pulis, sinita

Manila, Philippines – Sinita ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Philippine National Police o PNP dahil sa kabiguan nitong kumuha ng halos 27,000 bagong pulis sa nagdaang dalawa’t kalahating taon.

Giit ni Drilon, binigyan ang PNP ng pondo para kumuha ng 10,000 pulis kada taon simula noong 2017 para makamit ang ratio na isang pulis sa bawat 575 tao.

Paliwanag ni PNP Chief – Director General Oscar Albayalde hindi naman pang 10,000 bagong pulis ang ibinigay sa kanilang budget kundi pang 5,000 lang kada taon at wala pa ang budget para sa training.


Dagdag pa ni Albayalde, maraming aplikante para maging pulis pero kakaunti lang ang pumapasa sa mahigpit na hiring process.

Samantala, nakalusot naman sa Senate Finance Committee na pinamumunan ni Senator Sonny Angara ang panukalang 226-billion pesos na pondo para sa susunod na taon ng Department of Interior and Local Government o DILG at mga attached agencies nito tulad ng PNP.

Facebook Comments