Napoles, nasa listahan ng papalayain sa ilalim ng GCTA

126

Manila, Philippines – Sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw ay didikdikin muli ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ang Bureau of Corrections o BuCor.

Ito ay makaraang lumabas sa mga dokumentong hawak ng Senado na kasama din si pork barrel queen Janet Lim Napoles sa listahan ng mga papalayain sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law.


Base sa dokumento, rape at hindi plunder o pandarambong ang kaso ni Napoles na nakasaad sa listahan.

Sinasabi pa sa dokumento na tapos na o napagsilbihan na ni Napoles ang kanyang sentensya.

Si Napoles ay nililitis pa ngayon ng Sandiganbayan dahil sa kasong pandarambong kaugnay ng pork barrel scam.

Ayon kay Gordon, nakakadismaya ang pagiging napaka-incompetent ng BuCor.

Facebook Comments

From Advertisers