Kabuuang 7.1 billion pisong halaga ng pinagsamang shabu at marijuana ang nasamsam ng hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1) mula sa mga operasyon na kanilang naisagawa noong 2025.
Sa ibinahaging accomplishment report ng hanay, nasamsam ang nasa 1,033,409 gramo ng shabu, 97, 810 gramo ng dried marijuana leaves, 577, 240 piraso ng marijuana plants, 30ml marijuana oil, at 67, 911 piraso ng marijuana seedlings.
Naisagawa ang kabuuang 1,755 anti-drug operations, kabilang ang 1, 498 buy bust, 217 search warrant, 31 marijuana eradication, 2 illegal drugs recovery, 5 warrant of arrest, at 2 inflagrante delicto operations, habang naaresto naman ang nasa 2,996 na drug personalities.
Matatandaan na isa sa pinakamalaking operasyon ng PDEA RO1 at PNP noong nakaraang taon ang pagkakasamsam ng bulto-bultong shabu sa Labrador, Pangasinan na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang Chinese National at kasama nitong Pilipino.








