Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 72,794 individuals ang naisailalim nila sa COVID-19 test
Kaugnay itong pinaalalahanan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na iwasan pa ring dumalo sa mga pagtitipon lalo na’t matagal ang recovery sa COVID-19.
Aniya, inaabot ng isang buwan at kalahati ang isang pasyente bago gumaling lalo na kapag malubha ang lagay ng pasyente.
Hinimok din ni Usec. Vergeire ang publiko na ipagpatuloy ang pagpapabakuna sa mga bata tulad ng diphtheria at anti-polio vaccine.
Kinumpirma rin ng DOH na umaabot na sa 1,101 ang health workers na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 39.
Aminado rin si Usec. Vergeire na masasabi lamang nilang nasa peak na ang kaso ng COVID-19 sa bansa kapag tuluyan nang bumaba ang kaso ng virus at tumataas ang bilang ng nakaka-recover dito.