Malakanyang, wala pang hinihinging supplemental budget

Hindi pa humihingi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ng dagdag na budget para pantugon sa COVID-19 health crisis.

Magugunitang sa briefing ng Pangulo at mga miyembro ng Gabinete ay inihayag nito na nauubos na ang budget ng gobyerno dahil sa health crisis.

Sinegundahan naman ito ni Budget Secretary Wendell Avisado na nagsabing kaunti na lang ang natitira sa pondo sa pamahalaan habang ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, pababa ang koleksyong buwis.


Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, handa silang aksyunan sakaling humingi ang pangulo ng dagdag pondo.

Tiwala naman si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na aaprubahan ng Kongreso kapag kinailangan ang supplemental budget.

Facebook Comments