Kabuuang 18 mosyon, tinanggap ng DOJ mula sa respondents sa kasong sedition kaugnay ng Bikoy Videos

Labing walong mosyon mula sa kampo ng respondents sa kasong sedition ang natanggap na ng DOJ panel of prosecutors.

Kasama sa mga mosyong ito ay ang kahilingan na suspendihin muna ang proceedings hanggang hindi pa nila natatanggap ang kopya ng kumpletong ebidensya na isusumite ng PNP-CIDG.

Ang CIDG ay binigyan naman ng panel ng limang araw para magsumite ng kumento o opposition sa nasabing mga mosyon at saka dedesisyunan ng panel ang mga kahilingan.


Inatasan din ng DOJ panel ang Office of the Solicitor General na magbigay sa kampo ng respondents ng kopya ng video footage ng “Ang Totoong Narcolist” na isinumite nito.

Una nang nagsumite ng counter affidavit sina Retired Bishop Teodoro Bacani, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Facebook Comments