Aabot sa 28 rotation and resupply (RORE) missions ang tagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2023.
Ito’y sa kabila ng presensya ng mga barko ng China sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, sa 28 RORE missions, 14 dito ay para sa Ayungin Shoal habang ang nalalabi naman ay sa ibang teritoryo na sakop ng Kalayaan Island Group.
Sinabi pa nito na sa 14 na RORE missions sa Ayungin Shoal, 3 illegal actions mula sa China ang kanilang naitala kung saan nagkaroon ng water cannon incidents noong August, November at December 2023.
Samantala, ngayong taon partikular noong isang linggo ay tinawag na “flawless” ng AFP ang matagumpay na RORE mission sa Ayungin shoal.
Bagama’t may presensya pa rin ng mga barko ng China ay wala naman silang illegal actions na ginawa.