Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na as of August 6, 2023, umaabot na sa 444 diplomatic protests ang naihain ng Pilipinas laban sa China.
Kaugnay ito ng serye ng illegal activities ng China sa West Philippines Sea (WPS) mula taong 2020.
Ayon kay DFA Spokesperson Ambassador Teresita Daza, ngayong taon lamang na ito ay umabot na sa 34 diplomatic protests ang nai-file nila laban sa China.
Pinakahuling insidente ay ang ginawang pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng resupply mission sa bahagi ng West Philippines Sea.
Facebook Comments