Sumampa na sa 16.14 percent o P2.405 trillion ang ari-arian ng Land Bank of the Philippines (Land Bank) sa unang kwarter ng taon.
Ayon kay Land Bank President and CEO Cecilia Borromeo, dahil ito sa pagtaas ng deposit base mula sa Bayanihan 2 kung saan palalawigin ang ayuda sa mga prayoridad na sektor lalo na ang mga magsasaka, Micro, Small & Medium Enterprises (MSMEs) at iba pang key development players.
Nilalayon naman ng Land Bank na maabot ang target na net income na P19.68 billion sa katapusan ng taon.
Facebook Comments