Kabuuang Bilang ng COVID-19 Cases sa Region 2, Halos 40,000

14

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 38,659 ang naitalang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development as of May 15, 2021, mayroong 239 ang naitalang karagdagang positibong kaso ng COVID-19.


Mayroon namang naitalang 312 na gumaling at siyam (9) na namatay.

Sa kabuuan, mayroon pang 4, 133 na aktibong kaso o hindi pa nakakarekober; habang nasa 33,592 ang total recoveries samantalang nasa 922 na ang naiulat na COVID-19 related deaths.

Facebook Comments