Toll hike sa NLEX, epektibo na sa susunod na linggo

56

Simula sa Martes, Mayo 18, ipatututpad na ang taas-singil sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa abiso, magkakaroon ng 2% hanggang 3% na taas-singil sa toll para sa lahat ng mga motoristang daraan sa NLEX.


Ibig sabihin, karagdagang P2 ang ipapataw sa singil para sa class 1 vehicles sa open system habang P6 para sa end-to-end travel.

Tatlong piso naman ang dagdag-singil sa class 2 vehicles sa NLEX open system at P4 para sa class 3 vehicles.

Facebook Comments