Kabuuang bilang ng COVID-19 sa Taguig, nasa mahigit 9,000

COURTESY I Love Taguig Facebook page

Sumampa na sa 9,113 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Lungsod ng Taguig ngayong umaga, matapos itong madagdagan ng 20 mga bagong kumpiramadong kaso ng naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 9,013 rito ay mga gumaling na sa sakit, matapos magkaroon naman ng 11 mga bagong recoveries.

Habang ang 75 ay mga nasawi na dulot ng virus.


Kaya naman ang active cases ng COVID-19 sa lungsod ay nasa 25 na lang kung saan ikinatuwa ito ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig dahil sa patuloy na pagbaba ng active case.

Batay datos ng Taguig City Health Department, sa 100,000 na pupolasyon ng mga active cases sa buong National Capital Region o NCR, tatlo rito ay mga taga-Taguig.

Kaya naman umaasa si Mayor Lino Cayetano na magiging zero active case na ang lungsod sa susunod na buwan.

Facebook Comments