Umakyat na sa 9,749 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig matapos madagdagan ito ng 46 sa nakalipas na 24 oras.
Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).
Sa datos ng CEDSU, mas marami naman ang gumaling sa naturang sakit, kung saan nasa 65 ang new recoveries sa lungsod sa loob ng 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 9,597 ang kabuuang bilang ng recoveries sa lungsod at katumbas nito ng 98.44% na recovery rate.
Kaya naman mababa pa rin ang bilang ng active cases sa Taguig, kung saan nasa 45 nalang ito.
Nananatili naman sa 107 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.
Facebook Comments