Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 423,000 na; mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa sakit, nadagdagan ng anim

Umabot na sa 422,915 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,202 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Davao City na nasa 137.

Nasa 183 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 386,955 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 8,215 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 31 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 27,745 na lamang ang total active cases sa bansa.

Samantala, nakapagtala ng anim na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa abroad ngayong araw.

Dahil dito, sumampa na sa 11,573 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng sakit.

Nadagdagan naman ng lima ang mga Pilipinong gumaling kaya umabot na sa 7,492 ang total recoveries.

Nananatili naman sa 3,247 ang mga nagpapagaling at 834 ang mga nasawi dahil sa sakit.

Facebook Comments