Umabot na sa 489,736 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 2,052 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Davao City na nasa 140.
Nasa 10 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 458,206 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Habang umabot na 9,416 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 11 ngayong araw.
Sa ngayon, nasa 22,114 na ang total active cases sa bansa.
Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong apat na mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.
Dahil dito, sumampa na sa 13,022 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng sakit.
Nadagdagan naman ng isa ang mga Pilipinong naka-rekober at nasawi sa sakit dahilan kaya umakyat na sa 8,461 ang recoveries at 935 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.