Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 418,000 na; bilang ng mga gumaling sa sakit, nadagdagan ng mahigit 10,000 ngayong araw

85
COURTESY: Department of Health (Philippines) Facebook page

Umabot na sa 418,818 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,968 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Cavite na nasa 107.


Nasa 10,957 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 386,486 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 8,123 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 43 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 24,209 na lamang ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments