Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 5,784 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 12, 2021, tumaas ang bilang ng total confirmed cases sa rehiyon na umaabot naman sa 608 dahil sa patuloy na pagkakatala ng mga bagong kaso.
Sa kabila ng mga bagong naitatalang kaso, nadagdagan naman ang bilang ng mga gumagaling na kung saan ay tumaas sa 5,074 ang total recoveries.
Mayroon namang 99 na COVID-19 related death ang naitala sa buong rehiyon dos.
Ang probinsya ng Cagayan ay mayroong 179 na aktibong kaso; 375 sa Isabela; 41 sa Santiago City; labing tatlo (13) sa Nueva Vizcaya habang nananatili namang COVID-19 free ang probinsya ng Batanes at Quirino.