Kabuuang Bilang ng Kaso ng COVID-19 sa Rehiyon Dos, Higit 130,000 na

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 130,000 ang naitalang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mayroon ng 134,312 na total confirmed cases ng COVID-19 ang rehiyon kabilang na rito ang 187 na naitalang panibagong kaso.

Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling mula sa nasabing sakit na ngayo’y nasa 127, 388.


Nadagdagan din ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 kung saan nakapagtala na ang lambak ng Cagayan ng 4,575 total deaths.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,305 na aktibong kaso ng COVID-19 ang rehiyon dos.

Facebook Comments