Umabot na sa 48,860 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong Biyernes, Abril 1, 2022, nakapagtala ng dalawang bagong kaso at isang recovery ng COVID-19.
Habang tatlo ang aktibong kaso o kasalukuyang nagpapagaling sa sakit.
Samantala, umakyat na sa 222,921 PNP personnel o 99.22 percent ang fully vaccinated o nakumpleto ang bakuna kontra COVID-19.
Sa nasabing bilang, 182,278 PNP personnel o 81.77 percent ang naturukan ng booster shot bilang karagdagang proteksyon.
Facebook Comments