Umakyat na sa 2,397,456 ang kabuuang bilang ng mga naka-rekober sa COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ng 894 ngayong araw.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 14,786 COVID-19 new cases dahilan para pumalo na sa 2,580,173 ang kumpirmadong kaso sa bansa.
Nasa 144,061 naman ang aktibong kaso ng nasabing sakit o katumbas ng 5.6% kung saan 80.3 percent dito ang mild, 13.4 percent ang asymptomatic, 0.8 percent ang critical, 1.9 percent ang severe at 3.56 percent ang moderate.
Sumipa na sa 38,656 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos madagdagan ng 164.
Facebook Comments