Pumalo na sa 2,334,120 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan sa lungsod ng Maynila.
Ito’y sa loob lamang ng anim na buwan nang simulan nila ang pagbabakuna para sa mga residente at hindi residente sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 1,310,356 ang nabakunahan ng first dose na katumbas ng 96.96% ng target an populasyon na 1,351,487.
Nasa 1,062,571 naman ang nakakumpleto na mg bakuna o nakatanggap na ng kani-kanilang second dose kung saan 78.62% na rin ito ng target na populasyon mula edad 18-anyos pataas.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang vaccination program ng lokal na pamahalaan kung saan nasa 17,500 na bakuna kontra COVID-19 ang kanilang inilaan sa first dose vaccination sa 45 health center at apat na mall na ginawang vaccination sites.
Nasa higit 14,000 doses naman ng bakuna ang inilaan sa second dose vaccination na gaganapin sa 12 paraalan mula Dsitrict 1 hanggang District 6 habang 378 na Pfizer vaccines ang inilaan rin sa Manila Grandstand Drive-Thru.