Kabuuang bilang ng mga namatay sa Italy umabot na sa 4,032 bunsod ng COVID-19

Umabot na sa mahigit 18.4 porsyento ang bilang ng mga namamatay dahil sa kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansang Italy.

Matatandaan na nito lamang Biyernes ay umabot sa 627 ang namatay sa loob lamang ng isang araw na nagdala sa mahigit 4,032 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

Nabatid na ang bansang Italy ay nakapagtala nang mahigit 47,021 kabuuang bilang ng mga nadapuan mula sa dating 41,035.


Sa ngayon, ang rehiyon ng Lombardy sa Italy ay mayroon nang 2,549 na mga nasawi habang aabot naman sa mahigit 22,264 na tinamaan ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments