Mga netizen, ikinatuwa ang pagsuspinde sa Facebook blog ni Mocha Uson

Ikinatuwa ng mga netizen ang pagsuspinde sa Facebook blog ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson.

Ilang oras bago isuspinde ang Facebook blog ni Mocha ay nag-post pa ito para abisuhan ang limang milyon niyang followers sa naturang account.

Ayon sa dating sexy star, sa banat by page ng kaniyang manager muna siya mag-po-post dahil napag-alaman niyang may planong sabay-sabay na i-report ng mga troll ang kaniyang page na Mocha Uson Blog (Mub).


Matatandaang ini-repost ni Mocha ang isang post ng isang netizen na nagbigay ng komento tungkol kay Pasig City Mayor Vico Sotto na umani din ng iba’t ibang komento sa mga netizen.

“Sablay…madaming hanash at pabebe” daw kasi ang alkalde sa kaniyang ginagawang aksiyon para labanan ang COVID-19 sa bansa.

Samantala, nagpasalamat naman ang aktres na si Coney Reyes sa mga sumusuporta at nagtitiwala maging sa mga taong nakakasama ng kaniyang anak na si Vico sa pagtatrabaho.

Facebook Comments