Kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 355,000 na; Bilang ng mga nasawi sa sakit, nadagdagan ng 50 ngayong araw

Umabot na sa 356,618 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 2,379 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Quezon City na nasa 172.

Nasa 14,941 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 310,158 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 6,652 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 50 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 39,808 ang total active cases sa bansa.

Samantala, umabot na sa 11,149 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa matapos na makapagtala ng isang bagong kaso.

Hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nasawi na nananatili sa 812 gayundin ang bilang ng mga gumaling na nasa 7,199.

Facebook Comments