Kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng mga nagdaang bagyo, pumalo na sa halos P8-B —DA

Inilabas ng Department of Agriculture (DA) ang pinal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang nagdaang mga bagyong Mirasol, Nando, Opong maging ang habagat.

Ayon sa Agriculture Department, umabot sa P7.71 bilyon ang kabuuang pinsala sa pagsasaka sa 205,016 na ektarya ng lupa at pangisdaan.

Naapektuhan din ng nagdaang kalamidad ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN.

Naitala ang mga pinsalang ito sa 13 rehiyon sa bansa na karamihan ay mga pananim na palay, mais, high-value crops, livestock at poultry, fisheries, agricultural infrastructures, irrigation facilities, at mga makinarya at kagamitang pansakahan.

Umabot naman sa 268,077 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at pumalo sa 472,701 metric tons ang kabuuang pagkalugi.

Facebook Comments