Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 1, 541 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health Region (DOH) 02, labing tatlo (13) ang bagong naitala sa rehiyon as of September 23, 2020 na nagdadala sa total cases na 1,541.
Ang 13 bagong kaso ng COVID-19 ay tatlo (3) ang naitala sa lalawigan ng Cagayan, dalawa (2) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at pito (7) sa Nueva Vizcaya.
Nananatili pa rin COVID-19 Free ang probinsya ng Batanes.
Mula sa kabuuang kaso, 517 dito ang active cases, isang libo (1000) ang nakarekober at dalawamput apat (24) ang namatay.
Facebook Comments