Kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 80,000 na!

Umabot na sa 80,448 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 2,110 ngayong araw.

Pinakamarami sa bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 1,345, sinundan ng Cebu na may 304 bagong kaso, Laguna na may 109, Negros Occidental na may 66 at Rizal na may 40.

52,406 sa bagong kaso ay active cases, kung saan 89.83 percent dito ang mild, 9.25 percent ang asymptomatic, 0.49 percent ang severe at 0.42 percent ang critical.


Nadagdagan naman ng 382 ang bilang ng gumaling na ngayon ay aabot na sa 26,110.

Habang 1,932 na ang nasawi matapos madagdagan ng 39.

Samantala, nadagdagan pa ng 36 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad ngayong araw.

Sa kabuuan, 9,275 na ang mga Pilipinong tinamaan ng virus sa ibang bansa habang 653 ang nasawi.

Umabot na rin sa 5,410 ang nakarekober sa sakit habang 3,212 pa ang nagpapagaling.

Facebook Comments