Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa kabuuang bilang na 591 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Region 02, mula sa bilang na 591 ay 100 dito ang aktibong kaso, 488 ang mga nakarekober habang 3 na ang naitalang namatay sa COVID-19.
Sa ibinahaging impormasyon ng PIA Region 02 sa total cases ng COVID-19 sa bawat probinsya sa rehiyon, nakapagtala na ang Lalawigan ng Cagayan ng 209 na kabuuang kaso, 28 ang aktibo rito, 180 ang recoveries habang isa (1) ang namatay.
Pinakamarami naman ang Isabela sa nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan pumalo ito sa bilang na 310 ang total cases, 56 ang aktibo subalit mataas ang recoveries na umabot sa 253 at isa naman ang naitalang casualty.
Ang Santiago City ay mayroon namang total cases ng COVID-19 na 32, 10 ang aktibo, 22 ang mga nakarekober habang walang naitalang death case.
Sa probinsya ng Nueva Vizcaya ay mayroon total cases na 38; lima (5) ang aktibo, 32 ang recoveries at isa (1) ang casualty habang ang Lalawigan ng Quirino ay nanatili sa dalawa (2) ang total na kaso sa COVID-19.
Tanging ang probinsya lamang ng Batanes ang COVID-19 free sa buong rehiyon dos subalit mayroong 18 na naitalang suspected COVID-19 cases sa naturang Lalawigan.